The Final Chapters of Book 2 Coming!!!

COMING SOON!!!

Live Interaction with the Author - Fox

Monday, August 24, 2009

CHAPTER 29 THE MEETING PART 6 BOOK 2

CHAPTER 29 THE MEETING PART 6 BOOK 2

Kinabukasan sa Bangkok:

Nagkita si Monica at Richard sa kwarto ni Monica..

“you want some coffee?” sabat ni monica kay Richard

“no Monica I’m fine here”

at habang nag titimpla si Monica ng kape nya ay nag kwento ito kay Richard

“did you hear what happened to Dr. John Ralph?”

“sino ulit yan Monica?”

“doctor lang naman ni Jake”

“so you killed him I suppose” sabat ni Richard

“yes..that’s what you told me right?”

“actually I forgot to tell you na wag na..but never mind..at least jake getting another doctor who will understand him will be next to impossible”

“so what’s the plan Richard?”

“we destroy them”

“them?” sabat ni Monica

“their camp”

“including boy?”

tumagal ang katahimikan at hindi maka sagot si Richard

“honestly..minsan Monica..I don’t really care anymore about him..ginamit lang naman nya ko ehh…para maka laban kay jake since wala naman sya kung wala ang kumpanya ni daddy ehh…or ako”

“I believe that Richard”

“and why the hell am I in love with that shet?”

“I don’t know Richard..you can answer that”

“but my ambitions is far greater than love Monica”

“buti naman Richard..”

“so balik ako sa unang tanong ko..what’s the plan?”

“we destroy their relationship, jake, boy and the rest to regroup and eventually buy us out”

“one question is how?”

“then we find them”

“how Richard…the only one I know is right across my room..”

“who?”

“that bitch..Lilibeth”

“ahhh…well we will use her as our lead..eventually she will meet again with jake and boy”

“Okay….san ka mag check in..dito ba?

“no sa Shangrila..andun kapatid ko si Isa”

“really?”

“yes and she has a career now Monica”

“that’s good ..at least minus 1 sa problema mo”

“ true..well I better take off Monica…gusto ko pa din matulog ..wala pa akong tulog since kahapon…”

“ok..usap tayo ulit Richard..”

“bye”



Monday, August 17, 2009

CHAPTER 29 THE MEETING PART 5

Kinabukasan sa Kwarto ni Jordan at Andrew...

"jake..may sked tayo kay Dr. John Ralph"

Lumingon si Jordan sa higaan...at medyo antok pa..si Andrew naman..nag babaka sakali na bumalik si Jake sa kanyang tamang pag iisip..pero sya ay nabigo

"ako pa din si Jordan andrew"

"ok..sorry Jordan"

"wala yun..anong apt?"

"check up mo..I mean para kay jake"

"ahh...alam ko yan...alam mo andrew"

"ano yun Jordan"

"alam mo...pwede kong hindi ituloy itong pag gagamot kay jake..at ako ang maiiwan...pero alam mo kung ano pumipigil sakin?"

"ano Jordan"

"ang pangako ko kay Carla...na ibabalik ko si jake sa kanya"

"mahal mo si Carla no?"

"Oo mahal na mahal"

"Jordan...eto hindi nako takot sayo..may tanong ako?"

"sige...ano?"

"since lahat kayo ay bumubuo sa pagkatao ni ..teka.sa inyong apat o lima.."

"oh tapos andrew..tuloy mo"

"ibig sabihin..may parti kay jake na talagang minahal nya si Carla at hindi lang si boy"

"hahaha....oo naman...hindi naman baklang bakla si jake....ako ang pagka lalake nya..kaya ako lumabas sa kanya...ako yung matapang..ako yung desidido sa lahat..kung sinabi ko ..ginagawa ko yun andrew...ako yun...at sa ngayon..ako lang makakapag ligtas sa kanilang lahat..."

"ano pinagako mo kay Carla?"

"na hahayaan ko na sya...para lumigaya sya..at hindi ko na sya guguluhin..at ipa uubaya ko na sa kanya si jake...mahal nya si jake andrew..at hindi ako"

"pero iisa lang kayo"

"oo pero ako hindi...si jake hindi...mag kaka hiwalay kami na asa isang katawan..nakukuha mo ba andrew?"

"alam mo..field ko yan..pero pati ako naguguluhan na din" sabat ni andrew at nag patuloy sya

"ni hindi ko nga alam kung bakit ko kina kausap ang isang personality lang ni jake"

"wala kang magagawa andrew..you have to deal with me...kay jordan..ako...jordan"

"since alam mo ang lahat Jordan....ano ba ang nangyari kay jake..sa inyo? bakit kayo dumami?"

"hahaha...mahaba...maraming pinag daanan si jake...aksidente..mga trauma sa buhay..kaya kami lumabas...alam mo andrew..hindi lahat ng tao swerte....may mga tao na hindi nila alam kung bakit ehh..nasasabak sa mga pagsubok na higit pa sa iba..at eto ang lumalabas..kami..mga depensa para hindi masira ang pag iisip ni jake...ano kala mo andrew ikaw wala kang ganyan...meron ka din..hindi lang malala..minalas lang si jake..kaya naging ganito.."

"hindi pa kasi na kwento sakin ni jake ang lahat ng storya nya..kasi nga parating may gulo na nangyayari...walang katapusang problema...at yan..pati ako..nasabak na sa gulo"

"hahahaha andrew...natatawa ako sayo..."

"bakit naman jordan"

"kasi lumalabas pag ka bata mo"

"eh talaga namang bata pako."

"ulol..hindi ka na bata..25 kana"

"ay..murahin bako?"

"lika na..ma late na tayo..ano bang time apt natin"

"11 am pa naman..."

"pwes..bihis na "

Nag abang ng taxi si Jordan at Andrew papunta sa clinic ni Dr. John Ralph....pero ang sumalubong sa kanila ay mga pulis at partol ng pulis....at may naka taling yellow sa perimeter ng clinic..walang pwede pumasok....nag taka si Andrew..pero si Jordan..parang bato at walang pakiramdam

"Sir..what happened..we have an appt and we are late" tanong ni Andrew sa Pulis

"No..you cant enter...."

"why sir?"

"there's killing" sagot ng pulis na nag pipilit mag english

"huh? who?"

"Doctor Ralph"

"What?" pabigla na sagot ni Andrew

End of part 5

Wednesday, August 5, 2009

Chapter 29 The Meeting part 4

Nagising nalang si Carla sa isang private room...walang tao..at medyo gabi na...dumilat ang kanyang mga mata...napansin nya...na opera na sya sa braso nya...at na alala nya ang barilan...ang tama ng baril sa kanya...at pagkamatay ni Dona Teresita..ang galit na galit na muka ni Don Umali...at naiyak sya ulit...naka titig lang sya sa bintana...habang nag iisip ng malalim...

biglang may kumatok...at tumingin sya sa pinto...at pumasok ang doctor...at nabigla din ang doctor makita si Carla na gising..

"oh gising ka na pala..Kamusta pakiramdam"

"Okay lang ako doc...medyo wala namang sakit"

"good..siguro may effect pa din ang anestesia...iha..."

"yes doc"

"are you aware of your situation?"

"what situation doc?"

"that you are pregnant"

Matagal hindi sumagot si Carla...alam nya ito...at asa denial stage pa din sya up to now...

"Carla are you okay?"

"Yes doc..I'm okay..." pinunasan ni Carla ang luha nya ng kumot...

"Well ..you are 2 months pregnant...bago ka kasi namin operahan..nakita sa xrays at citiscan mo"

"Yes..I know doc"

"Well iha..congratulations...alam na ba ito ng asawa mo?"

Biglang naiyak ulit si Carla...at tumahimik ang doctor habang chinicheck ang mga reports at mga dextrose kay Carla...

"Iha...whatever it is...makakaya mo yan..all problems given by God has their solutions...we just have to search it..and accept it whatever it may be"

"Thanks doc..that was nice..."

"sige iha...take care...I'll be back tomorrow..."

Samantala...sa Bagong airport ng bangkok...ay naka pila si Richard sa immigration..as usual..mahaba ang pila dahil parating maraming planes ang lumalanding dun...medyo naiinip na si Richard..at gusto nya ng hanapin si Boy at kausapin din si Monica.....ng biglang may kumalabit sa kanya

"Kuya?" tanong ni Isabel

"hoy...Isabel..bakit ka andito?"

"ikaw kuya bakit ka andito? are you on a tour..at sino kasama mo?"

"no..business trip..at ako lang....I have a meeting with Monica..one of my staff here"

"ahh okay...well ako naman...siguro ganun na din..business..."

"are you serious Isa?...business...nag bago ka na ba?"

"yes kuya..I've changed for the better..I have a career now...I was promoted dito sa Shangrila bangkok"

"Wow that's great..congrats" at nag yakapan ang mag kapatid na anak ni Don Jaime Santos...

"kuya ..you met sarah my bestfriend..sinamahan nya ko"

"of course..hi...."

"hi po" pa pilit na muka ni sarah..dahil bwisit sya dito sa kuya ni Isa..

"okay..you two..goodluck...do you need some money Isa"

"no kuya I"m fine...gusto ko to work for my own money..."

"nag bago ka na Isa..I'm so happy for you"

"thanks kuya..."

"so...ako na....so when will you be back sa pinas?"

"indefinite ang stay ko dito kuya..so I don't know"

"okay..I"ll visit you sa Shangrila okay..and we can have dinner"

"sige kuya..bye"

Samantala naman...sa Amari Hotel...ay nag uusap si Jordan at Andrew

"Andrew try to call Carla..I want to know if she's okay"

"ok wait..." habang kinuha ni andrew ang cellphone nya..at kinokontak si Carla...at nag ring naman ang cell ni Carla sa table na tabi ng bed nya...kinuha nya ito at nakita nya ang number ni andrew at sinagot nya..

"hello?"

"Carla...Carla..are you okay?"

"yes andrew..I'm here at the hospital..na operahan ako kanina...tinanggal ang bala"

"I was worried Carla....it good to know..okay ka na"

"thanks andrew...oh..asan si jake..I wanna talk to him" biglang tumahimik ang line...ng matagal..at akala ni Carla ay wala na sa line si Andrew

"andrew...hello...andyan ka pa...hello?"

"yes Carla...teka...eto sya"

"wait..andrew..."

"hello" sabat ni Jordan

"hello?" sabat ni Carla

"Carla..."

"jake?"

at nakita ni andrew..na tumutulo na luha ni Jordan sa mata..at hindi maka salita..at namumula ang mata...

"are you okay Carla" sabat ni Jordan ng paiyak...

"shet..." na bigla si Carla

"Jordan?"

"Carla...na miss kita.." at humagulgol si Jordan sa phone....hindi nya mapigil umiyak

"na miss din kita Jordan"

"Carla..are you okay...at si mommy...wala na"

"I know..Jordan....oh ..kala ko ba ikaw ang pinaka matapang sa kanilang lahat" pangiti na tanong ni Carla...

"Oo naman Carla...alam mo naman siguro kung bakit ako lumabas ulit Carla"

"I know...jordan...kilala ko na kayong lahat"

"thanks...I miss you Carla...punta ka na dito sa Bangkok"

"I can't..papagaling pako..and yung burol ni Dona teresita..ang mommy mo"

"You can't go there Carla..papatayin ka nila"

"Okay lang Jordan...patayin na nila tayong lahat...pagud nako"

"No Carla..hindi ko makakaya na mawala ka...may plano nako Carla...Bernie and Claire will do the work..since hindi pa sila masyadong identified with us"

"Jordan.thanks...matatahimik nako..at andyan ka"

"yes Carla don't worry...andito na talaga ako "

Samantala...sa airport ulit...ay dumating na si Joseph...kinuha ang last flight ng Kuwait Airways....pumila sa immigration....at habang naka pila ay malalim ang ini isip ni Joseph....

"babawiin kita Jake...hindi ko na hahayaan na guluhin ka ulit ni boy..mahal kita at ipag lalaban kita.."

end of part 4

Saturday, August 1, 2009

Chapter 29 The Meeting part 3

Dinala si Carla at mga iba pang sugatan sa boardroom...

May malay pa si carla habang asa ambulansya..umi iyak..at na alala nya pa yung muka ni Dona Teresita....duguan sa upuan...at napako ng bala mula sa dibdib....Nung namatay na si Umali...ay tinulungan nya si Dona Teresita..pero parang huli na ang lahat...

"Mam....wag po....ano ba to..bakit nangyari ito...." at nagulat si Carla ng bumuka ang mata....

"Anak....Carla..."

"mam....wag po..wag nyo kong iwan..."

"alagaan mo si jake...pangako mo sakin yan..."

"mam....oo ...nagagako po ako sa inyo...kaya nyo pa mam..."

pero pumikit na ito...at niyakap ni Carla si Dona Teresita sa huling pag kakataon....

At Biglang bumalik si Carla sa kanyang kinalalagyan....

"ano itong nangyari...bakit ganito....shet...ma..daddy...asan kayo....parang gusto ko na sumuko....hindi ko na ito kaya...." at patuloy na humagulgol si Carla sa loob ng ambulansya...

==============================================================

Bangkok:

Sa isang coffee shop...ay makikita si Monica na may kausap na militar...medyo matanda na...asa harap sila ng salamin....nag uusap sila ng matagal...at may interpreter na isang thai din....seryoso ang muka ni Monica..at ng militar...at ang kina hulihan ay may inabot si Monica na long envelope...binuksan ito ng militar na kausap..at binilang ang pera...at tumawa si Monica....at natuwa din ang Militar.....

Habang si Jake at Andrew ay kumakain sa zen dept store building...ay hindi ma alis ni andrew ang tingin sa muka ni jake bawat subo....

"tumigil ka na" sabat ni jake

"huh..ano?" pa inosente tanong ni andrew

"alam ko...kanina ka pa nag obserba sakin andrew..at tama hula mo"

"huh..anong hula jake"

"yes...ako si Jordan"

Tumahimik si Andrew....at tumigil sa kaka kain.....at nawalan na ng gana tuluyan....at lalo syang natakot...dahil hindi nya talaga kilala si Jordan...ilang beses lang sya sumulpot sa treatment...yun lang ang alam nya..at alam nya na ito ay walang emotion or pakiramdam..at matigas mag desisyon....habang busy pa din si Jordan sa kaka kain..

"masarap chicken nila ha...." sabat ni Jordan

pero tahimik pa din si andrew at shock...

"ano...tatahimik ka nalang?" habang kumakin pa din si Jordan...

"ano....mag salita ka...alam ko asa loob mo" pagalit na salita ni Jordan

"asan si jake?" tanong ni andrew

"tinabi ko muna...ayoko ng duwag....walang bayag..at umi iyak sa problema nya"

"pero...pero...diba wala ka na dapat Jordan?..nagamot na si Jake....ginamot na sya ni Dr Ralph"

"well fuck you andrew..eto ako ..lumabas ako...and right now..you don't have a choice...okay...you have to assist me now...."

"natatakot ako sayo Jordan..hindi kita kilala"

"aba..pwes eh di mag pakilala...ako si jordan..and you are?" pabiro na sabi ni Jordan

"Andrew"

"hahahahahaha....gago...sympre..kilala kita...isa ka pa na walang bayag...parehas ka ni jake"

"Jordan..wag mo na ko damay...babalik nalang ako sa ospital"

"hahahaha...andrew...this is your moment to shine..tapos mag walk out ka? get a fucking thrill in your life for once...well tama si jake dun sa pag advice sayo....boring nga buhay mo...so inalok ka nya"

"huh..pano mo nalalaman yun?"

"alam ko lahat...bawat kilos at galaw ni jake..alam ko...ako lang nakaka alam sa kanilang lahat...kasi..ako lang ang nag proteka sa kanilang lahat"

"pero may gamot na si jake"

'hindi pa tapos ang treatment ...remember andrew...pero sa mga oras na ganito...lumalabas ako...hindi na kaya ni jake..so ako ang nag take over..."

"nalilito ako...ahh..Jordan"

"oo Jordan tawag mosakin...at hindi jake....ngayon..mag plano tayo para gumanti"

"anong ganti?"

"babanat tayo...patayan gusto nila..pwes..patayan ang ibabanat natin"

"jake..hindi ko"

"JORDAN...not jake"

"jordan..hindi ko kaya pumatay"

"bakit sinabi ko bang ikaw papatay...either ako or may hire tayo..."

"okay" habang pina pawisan na si andrew...

"si Carla..."

"what about Carla"

"She needs to be here with us"

"Jordan...asa manila sya"

"alam ko..."

"so pano?"

"papuntahin mo dito...tawagan mo...hindi ko sya pwede tawagan..mahahalata nya boses ko..ikaw andrew ang bago kong spokesperson....dodoblihin ko sweldo mo.."

"jordan..hindi ko kailangan pera..."

"gago..basta tanggapin mo...don't give me that crap na hindi mo kailangan ng pera..at mga dignidad etc mo...bullshit sakin yan"

"okay..." patakot na sabi ni andrew....

"now..call Carla.....ahhh andrew...I mean now"

"okay jake"

"JORDAN"

"okay Jordan.." habang nga press na sya sa cellphone....pero walang sagot...naiwan ni Carla ang cellphone sa bag..na bitbit ng nurse sa ambulansya....

"Jordan..walang sagot"

"okay...mamaya ulit...oh tapos nako..punta na tayo sa hotel"

Nag patuloy ang meeting ni Monica at ang General....habang si Isabel naman ay ang impake na sa direct flight nya to Bangkok from Cebu...at si Richard na tinatapos ang mga pipirmahan sa opisina para maka habol din sa flight papuntang bangkok...habang si Carla ay dinala na sa operating room para tangalin ang bala sa balikat....at habang dinala na si Dona Teresita sa Morge....at sa kabilang morge..ay andun ang katawan ni Don Umali..at may naka tayo sa harap ng bangkay nya

"pag hihiganti kita...tangina nila....hindi nila pwede gawin satin to....mga hayop sila!" habang umi iyak ang lalaking naka tayo....

Part 4 next